Reaction Paper No. 2 - Isyung Terorismo sa Pilipinas



Reaction Paper No. 2 - Isyung Terorismo sa Pilipinas


Batay sa pinalabas na ulat ng kumpanyang Aon na tinatawag na 2018 Risk Maps, nananatili pa ring problema ang banta ng terorismo sa Pilipinas kahit na wala pa mang nangyayaring malakihang paglusob. (1) Pero ano nga ba ang terorismo? Ayon sa austintexas.gov, ang terorismo ay ang hindi naaayon sa bata na paggamit ng pwersa o rahas laban sa mga tao o pilitin ang tao o mga mamamayan para sa pagsasakatuparan ng kanilang layunin. (2)


Nito lang nakaraang taon habang may pandemya ay isinabatas ang Anti-Terrorism Bill na naglalayon na masolusyonan ang terorismo sa bansa at lahat ng maaaring kilos ng terorismo na siya ring sumisiguro sa proteksyon sa sibil at political rights. (3) Ang nasabing bill ay umani ng reaksyon at ang iba pa ay gustong i-junk ang bill na ito. Masyado raw kasing malawak ang sakop nito at kahit sino ay maaaring mapagbintangan bilang terorista kahit hindi naman talaga. Nagpakalat din ang iba ng mga post na naglalaman ng mga karapatang maaaring ipresenta kung sakali mang mapagbintangang terorista.


Para sa akin, talaga nga namang masyadong generalized itong bill kaya normal lang na marami ang hindi sumang-ayon dahil kahit sino nga naman ay maaaring mapagbintangan. Sana ay ginawa nila itong mas specific para walang gulo dahil walang sinoman ang matutuwang mapagbintangan sa isang bagay na hindi naman talaga.




REFERENCES

(1) https://www.dwiz882am.com/index.php/banta-ng-terorismo-sa-pilipinas-nananatiling-mataas-study/

(2) https://www.austintexas.gov/faq/what-terrorism

(3) https://www.doj.gov.ph/news_article.html?newsid=671



Mga Komento